Banaue, Ifugao isinailalim sa ‘state of calamity’

Banaue, Ifugao isinailalim sa ‘state of calamity’

July 10, 2022 @ 11:44 AM 1 month ago


IFUGAO- Isinailalim sa ‘state of calamity’ ang bayan ng Banaue, Ifugao matapos itong salantain ng malakas na ulan noong Huwebes (Hulyo 7) na nagdulot ng matinding pagbaha at ng mga landslide sa naturang lugar.

Nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamunuan ng naturang bayan para magamit nila ang pondo sa rehabilitasyon at para maibigay ang mga  pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa inisyal na listahan ng DSWD Field Office-CAR, may dalwang bahay na naiulat na totally damaged samantalang 327 naman ang partially damaged.

Umaabot sa 500 pamilya o 1,500 na indibiduwal mula sa 6 barangay ang apektado sa pagbaha.

Ang mga naturang barangay ay ang Amganad, Poblacion, Tam-an, Viewpoint, Poitan at Bocos.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operation sa naturang bayan.

Tulong-tulong ang mga  miyembro ng PNP, BFP, AFP at DSWD sa pagsasagawa ng clearing operation. Rolando S. Gamoso