Banawe Street, idineklarang QC Chinatown

Banawe Street, idineklarang QC Chinatown

January 19, 2023 @ 7:04 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Idineklara na ng Quezon City government ang Banawe Street sa lungsod bilang QC Chinatown at isa sa Tourism district ng lungsod.

Sa ipinasang City Ordinance No. 2453-2015 pormal ng idineklara ng QC local government ang Banawe St. bilang Chinatown.

Sa press conference nitong Huwebes, Enero 19, sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na pormal nang idineklara ng ang Banawe St. bilang QC Chinatown.

Ayon kay Belmonte ang pagdedeklara ng Banawe ay kasunod ng tradisyonal na selebrasyon ng Chinese New Year sa Linggo, Enero 22.

Sinabi pa ng alkalde na nais kilalanin ng QC government ang malaking kontribusyon ng Chinese community sa Banawe Street sa pamahalaang lungsod ng Quezon at sa mga residente ng lungsod.

“Banawe is declare ask the official tourist destination bilang China town ng Quezon City,” ani Belmonte.

Kaugnay nito sinabi ni QC Tourism Dept OIC Teresa Arroyo-Tirona na “all systems go” na para sa aktibidad at programang aabangan sa linggo, January 22 kabilang dito ang spring food festival at bazaar na magsisimula ng alas-10 ng umaga.

Kabilang naman sa inaasahang dadalo sa okasyon sina QC Mayor Joy Belmonte, QC Association of Filipino-Chinese Businessman Pres. Joaquin Co at Quezon City Chinatown Development Foundation (QCCDF) Chairman Charles Chen, Vice Mayor Gian Sotto at District 1 Rep. Juan Carlos Arjoo Atayde at ilan pang opisyal mula Filipino-Chinese community. Santi Celario