BANAT NI TRILLANES VS BONG GO PANIS

BANAT NI TRILLANES VS BONG GO PANIS

July 9, 2021 @ 6:24 PM 1 year ago


LUMABAS na panis ang paninirang ipinupukol ngayon ni Antonio Trillanes IV kay Senator Christopher ‘Bong’ Go matapos bigyang linaw ng senador ang banat ni Mr. “Fake News.”

Dahil nga naman papalapit na ang eleksyon, nag-recycle umano ng lumang isyu si Trillanes na 2018 pa binigyang linaw ni Sen. Go na naghamon pang kung totoo ito ay magsampa ng kaso ang dating senador.

Kalauna’y hindi napatunayan ang paratang ni Trillanes at dahil tunay na lehitimo ang transaksyon ng kompanyang pilit idinadawit nito sa korapsyon, wala naman talagang nangyari sa pag-iingay nito noon.

Tama nga namang bakit pipigilan ni Sen. Go ang pakikipagtransaksyon ng kompanya ng kanyang kaanak kung wala naman itong nilalabag na batas?

Hindi rin naman naiimpluwensiyahan ng senador ang pagkakakuha nito ng alinmang proyekto sa pamahalaan at ni piso ay walang naman siyang benepisyo dito.

Isa pa, matagal nang naitatag ang kompanyang idinawit ni Trillanes na kailanma’y hindi naging kaparte si Sen. Go.

Talagang panahon na ngayon ng pamumulitika at siraan kaya kahit lumang isyu ay gagamitin ng iba upang pulaan lamang ang sa tingin nila’y magiging malakas nilang kalaban.

Partida niyan, ‘di pa nagbibigay ng kumpirmasyon si Sen. Go kung siya’y tatakbo sa 2022 at sa anong posisyon ngunit siya ang napiling pulitikahin ngayon ni Trillanes.

Kung noong 2018 ay nagwagi sa pagkasenador si Sen. Go sa kabila ng paglabas ng isyung ito, nangangahulugan lamang na talagang marunong nang kumilatis ng fake news at hindi ang publiko.