Bandidong Abu Sayyaf napatay sa Basilan

Bandidong Abu Sayyaf napatay sa Basilan

June 6, 2021 @ 12:44 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan matapos manlaban sa ikinasang pag-aresto laban sa kanya, ayon sa mga awtoridad.

Kinilala ni Brig. Gen. Domingo Gobway, komander ng Joint Task Force Basilan, ang suspek na si Aroy Ittot, kilala rin sa alyas na Oroy na may kinahaharap na kasong pagpatay.

Ayon kay Gobway na nagsilbing ng arrest warrant ang military kasama ang pulisya sa  Barangay Languyan sa bayan ng Mohammad Ajul nang bigla umano silang paputakan ng suspek gamit ang M16 rifle.

Dahil dito, napilitan umanong gumanti ng putok ang pulis at dito na napatay ang suspek.

Ayon sa ulat na si Oroy ay isa sa pinagkakatiwalaan ni Abu Sayyaf leader Furuji Indama. Isa rin umano siyang bomb maker, ayon sa militr.

Ani Mohammad Ajul Mayor Ibrahim Ballaho na base sa kanyang pagkakaalam na nagtatrabaho si Ittot sa isang lawless group na pinamumunuan nina Usman Lidjal at Gion Arasad.

Nasamsam mula sa pag-iingat ni Ittot ang ilang high-powered firearms, ammunition, at bomb-making materials. RNT