Banggaan ng motorsiklo sa Parañaque, dalawa patay, isa kritikal

Banggaan ng motorsiklo sa Parañaque, dalawa patay, isa kritikal

July 16, 2018 @ 11:58 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos magbanggang ang kanilang motorsiklo sa Service Road, Parañaque kaninang medaling araw ngayong Lunes (July 16).

Ayon sa imbestigasyon, kinilala ang mga namatay na sina Raymark Rodriguez at Jerico Tabao.

Napag-alamang lasing na nagpapatakbo ng motorsiklo si Tabao kasama ang angkas nito habang si Rodriguez naman ay papunta sa Bicutan at kuma-counterflow.

Pareho umanong nawalan ng kontrol ang rider at saka nagsalpukan na nagresulta ng kanilang pagkamatay.

Samantala, agad naman isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital ang angkas ni Tabao na si Roger Peralta at kasalukuyang kritikal ang kalagayan.

Ayon sa pulisya, madalas nagkakaroon ng aksidente sa East Service Road dahil fast lane ito na madalas daanan ng mga motorsiklo. (Remate News Team)