Banggaan nina Vice at Paolo, inaabangan!

Banggaan nina Vice at Paolo, inaabangan!

September 13, 2022 @ 1:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Parami nang parami ang celebrities na nage-guest sa debut season ng “Drag Race Philippines,” ang Pinoy reality competition TV series na hino-host ni Paolo Ballesteros.

Ang naturang drag race ay spin-off ng RuPaul’s Drag Race kung saan labindalawang drag queens ang magtutunggali para sa titulong “Philippines’ First Drag Superstar.”

Sa naunang episode nito, naging guests sina Regine Velasquez, Nadine Lustre at Boy Abunda.

Sinamahan din sila nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Fil-American make-up artist Patrick Starr, Pops Fernandez at Pokwang.

Marami naman ang nag-aasam na magkaroon din ng guest appearance ang “It’s Showtime”host na si Vice Ganda sa nabanggit na show.

Hirit ng kibitzers, abangers sila na makipagkabugan ang komedyante sa tinaguriang King of Make Up Transformation na si Paolo.

Hiling pa ng ilang viewers, sana raw ay rumampa ang dalawa in drag para malaman kung kayang makipagkabugan ni Meme sa Eat Bulaga host.

May observers namang nagsasabing patataubin ni Paolo si Vice kapag nagsama na sila sa rampahan lalo na’t kering-keri ng unang maging drag queen tulad ng mga karakter sa pelikulang kanyang ginampanan.

Matatandaang nang ianunsyo ng naturang show na si Paolo ang napiling host, isa si Vice sa unang nag-congratulate sa actor.

Sa debut season ng Drag Race Philippines, itinalagang permanent judges sina Kaladkaren at ang RuPaul’s Drag Race season 4 at All Stars season 6 contestant na si Jiggly Caliente.

Bahagi naman ng rotating jury sina BJ Pascual, Jon Santos at Rajo Laurel. Archie Liao