Bangka lumubog sa Surigao Del Norte; 3 mangingisda nasagip ng PCG

Bangka lumubog sa Surigao Del Norte; 3 mangingisda nasagip ng PCG

December 31, 2021 @ 3:05 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Tatlong mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) BRP Bagacay  (MRRV-4410) nang lumubog ang kanilang bangka sa baybayin ng Barangay Punta Bilar, Surigao Del Norte.

Ayon sa PCG, masungit na lagay ng panahon at malalaking alon ang dahilan ng paglubog ng bangka.

Agad namang nakatawag ang mangingisda sa kanilang pamilya na siyang nag-report sa PCG Sub-Station Lipata.

Nakipag-ugnayan naman ang sub-station sa  PCG Station Surigao del Norte na gumawa ng komunikasyon sa BRP Bagacay (MRRV-4410) para sa pagsasagawa ng search and rescue (SAR) operation.

Ligtas namang nasagip ang tatlong mangingisda  at binigyan ng first aid.

Nang matiyak na nasa ligtas na kalagayan na ang nasagip na mangingisda, hinila naman ng BRP Bagacay (MRRV-4410) ang bangka at dinala sa  Surigao Baseport sa Surigao Del Norte.

Paalala ng PCG sa mga mangingisda , sumunod sa maritime safety regulations at huwag mangisda kapag masama ang lagay ng panahon upang maiwasan ang aksidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden