Manila, Philippines – Isang pampasaherong Bangka ang lumubog sa karagatan dahil sa masungit na panahon sa karagatan ng Occidental Mindoro ayon sa ulat nitong Biyernes (July 20) ng hapon.
Itinuturong dahilan ng paglubog ang malakas na hambas ng alon, dahilan para mabutas ang pampasaherong Bangka na MV Lucky Benjamin.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard, ligtas at nasa Calatagan Port na ang nasa 57 pasahero at 10 crew ng bangka. (Remate News Team)