Bangkay karay-karay ng claimants ng pensyon

Bangkay karay-karay ng claimants ng pensyon

January 24, 2022 @ 8:05 AM 8 months ago


IRELAND – Dinala ng mga claimant ng pensyon ang isang bangkay para patunayan lamang na may karapatan sila sa pensyon sa bansang ito.

Sa ulat ng Irish Times, naganap ang pangyayari sa County Carlow post office dakong tanghali kahapon.

Bago umano dinala ang bangkay, may isang lalaki na nagpunta sa post office upang i-claim ang isang pensyon subalit hindi ito pinagbigyan sabay habilin sa claimant na dapat magpakita mismo ang pensyonado para ito mismo ang tatanggap ng pension.

Umalis umano ang lalaki at pagbalik nito, dala na ang bangkay ng nasa edad 60, kasama ang isa pang lalaki na kasama nitong kumakaladkad sa bangkay na nakatayo.

Dito na nabahala ang isang babai na nasa post office at naghihiyaw sa nakita nito at hindi na rin nakuha ng mga claimant ang pensyon.

Agad namang lumayas ang dalawang lalaki makaraang magkagulo sa lugar.

Nagsasagawa na ang mga coroner ng pagsusuri sa katawan habang mag-iimbestiga na rin ang mga gardai o pulis sa lugar.

Inihayag naman ni Carlow Mayor Kane Murnane at iba pang mga opisyal ng county ang kanilang pagkabigla sa pangyayari. Fred Cabalbag