‘Bangkay’ na isasailalim sa autopsy sa India, buhay pa

‘Bangkay’ na isasailalim sa autopsy sa India, buhay pa

March 4, 2021 @ 11:01 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

India – Muntik nang isailalim sa autopsy ng buhay ang isang lalaki sa India matapos ideklarang patay na.

Ayon sa ulat, isinugod sa isang ospital ang 27 taong gulang na lalaki matapos ang insidente sa motorsiklo sa bayan ng Mahalingapur.

Nagtamo ito ng matinding pinsala sa katawan at kritikal ang kondisyon.

Nitong Linggo, inalis ang ventilator nito ang idineklarang patay na ng doktor.

Napansin ng pathologist na gumagalaw ang katawan ng biktima habang nasa autopsy table.

Sa kasalukuyan, nasa mabuti nang kondisyon ang lalaki.

Ayon sa opisyal ng gobyerno, “bad judgement” ang ginawa ang pag-aalis ng ventilator at ang pagdedeklara ng doktor na patay na ito.

Wala pang opisyal na reklamo ang inihahain ng kampo ng biktima laban sa opistal. Mula sa ulat ng Agence France-Presse 


  •  
  •  
  •