Bangkay, natagpuan sa Luneta Park

Bangkay, natagpuan sa Luneta Park

July 27, 2018 @ 8:44 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa gilid ng Rizal Park sa Maynila, Biyernes (July 27) ng madaling araw.

Ayon sa tauhan ng MPD Station 5, natagpuan ang bangkay dakong alas-2:15 ng madaling araw sa Maria Orosa Street. Nakahelera ang lalaki sa bangketa kung saan natutulog ang mga palaboy.

Hindi pa nakikilala ang lalaki na tinatayang nasa edad-60 pataas. Nakasuot ito ng jacket at kulay berde na shorts.

Pinaghihinalaang namatay sa sakit ang lalaki dahil hindi ito kinakitaan ng indikasyon na sinaksak o binaril pero maraming dugo ang nakita sa paligid ng katawan nito.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki at kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay nito. (Remate News Team)