Bangkay ng babae bumulaga sa baybayin

Bangkay ng babae bumulaga sa baybayin

October 24, 2022 @ 9:03 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang naaagnas na bangkay ng babae ang lumutang sa baybaying ng karagatang nasasakop ng Navotas.

Natagpuan ang katawan babaeng inilarawang nasa 5’2 ang taas sa ilalim ng isang bahay sa Tambak 1, Barangay Tanza 2 Linggo ng umaga, Oktubre 23.

Isang nagngangalang Alberto Santos, 76, ang unang nakakita sa bangkay sa ilalim ng kanyang bahay at agad na iniulat ang natagpuan sa barangay dakong alas-11 ng umaga, habang rumesponde ang Scene Of the Crime Operatives bandang alas-12:45 ng hapon.

Ayon sa pulisya, dinala ang mga labi sa Navotas City Hall Disaster Risk Reduction and Management Office upang iproseso ang libreng paglilibing sa biktima. Merly Iral