Bangkay ng babae natagpuan sa abandonadong sasakyan sa Las Piñas

Bangkay ng babae natagpuan sa abandonadong sasakyan sa Las Piñas

January 18, 2023 @ 8:52 AM 1 week ago


MANILA, Philippines — Natagpuan ng pulisya ang isang patay na babae sa loob ng isang abandonadong sasakyan sa Las Piñas City nitong Martes ng umaga, sabi ng pulisya.

Sa isang spot report ng Las Piñas City police, nakasaad na ang biktima ay isang 29-anyos na beauty specialist ang natagpuang walang buhay sa loob ng isang silver Mazda sa kahabaan ng C5 Extension Road sa Barangay Zapote.

Unang napansin ng dalawang street sweeper ang nakaparadang sasakyan, saka nila inireport sa security guard sa paligid ng lugar.

“During inspection, they noticed a lifeless body of the victim with blood stains at the road, prompting them to report the matter to the duty security guard and to Zapote substation and likewise to [the] office for investigation,” ayon sa pulis.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng babae, ngunit ayon sa pulisya, nai-turn over na ang bangkay nito sa forensic unit ng Philippine National Police para sa autopsy. RNT