Bangkay ng lalaki nadiskubre sa bangin sa La Union

Bangkay ng lalaki nadiskubre sa bangin sa La Union

October 19, 2022 @ 7:56 AM 2 months ago


LA UNION – Isang bangkay ng lalaki ang nadiskubre sa masukal na bangin sa may Caba-Naguilian Provincial Road sa Sitio Maligaya, Brgy. Sobredillo, Caba ng lalawigang ito.

Ang naturang bangkay ay nadiskubre ng isang residente na noo’y naglalakad pauwi sa kanilang bahay.

Nadiskubre nito ang bangkay matapos na makalanghap ng napakabahong amoy kaya hinanap niya kung saan nanggaling ito.

Matapos na madiskubre ang bangkay, agad niya itong inireport kay Brgy. Chairman Melito Sordilla na agad naman niyang ipinagbigay-alam sa Caba Municipal Police Station.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa biktima na may suot na kulay itim na damit, kulay itim na maong pants, kulay itim na relo, dalawang puting rubber band. Rolando S. Gamoso