Bangkay ng lalaki natagpuan sa sementeryo

Bangkay ng lalaki natagpuan sa sementeryo

November 2, 2022 @ 7:32 AM 1 month ago


ILOCOS SUR – Isa nang malamig na bangkay ang isang 37-anyos na lalaki nang matagpuan sa loob ng Public Cemetery sa Brgy. Cutin, Sinait ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Nobyembre 1.

Kinilala ng Sinait Municipal Police Station ang biktima na si Junelvick Estabillo y Frando, 37, walang asawa, residente ng Brgy. Ballaigui, Sinait, Ilocos Sur.

Bandang alas-9 ng umaga kahapon nang makatanggap ng impormasyon ang Sinait MPS tungkol sa natagpuang bangkay sa naturang sementeryo.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad at pagdating nila roon ay nakita nila ang nakadapang lalaki na wala nang buhay.

Ayon sa mga kapamilya nito, ang biktima umano ay isang regular alcoholic drinker.

Nagdesisyon naman ang kapatid ng biktima na hindi na isasailalim sa autopsy ang bangkay ng kanyang kapatid. Rolando S. Gamoso