Bangkay ng ‘middleman’ sa Percy Lapid slay naiuwi na sa Leyte

Bangkay ng ‘middleman’ sa Percy Lapid slay naiuwi na sa Leyte

November 7, 2022 @ 11:48 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Naiuwi na ang bangkay ang itinuturong middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid, sa Javier, Leyte nitong weekend.

Nagtalaga ng mga pulis sa bahay ng umano’y middleman na si Cristito Villamor Palaña (naunang kinilala bilang si Jun Villamor) upang tiyakin ang seguridad, batay sa ulat nitong Lunes.

Umapela naman ang ama ni Palaña’s para sa hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak.

Pinangalanan si Cristito, preso ng New Bilibid Prison (NBP) ng self-confessed gunman na si Joel Escorial bilang isa sa middlemen sa pagpatay sa mamamahayag.

Ilang oras bago banggitin ang kanyang pangalan sa mga awtoridad, namatay si Cristito died sa loob ng NBP.

Batay sa auto[sy na isinagawa sa mga labi ni Cristito, nagkaroon siya ng hemorrhage sa puso.

Subalit, sa sumunod na autopsy na isinagawa ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, napag-alaman na ang mga labi ay may “history of asphyxia by plastic bag suffocation.” Sinabi pa ni Fortun na ang katawan ni Villamor ay mayroong “pulmonary congestion, edema, and hemorrhages.”

Si Lapid, na Percival Mabasa sa tunay na buhay at host ng online broadcast program aat kolumnista para sa isang tabloid, ay pinatay sa pamamaril sa Las Piñas City noong Oktubre 3

Iniharap naman si Escorial sa media noong Oktubre 18, kasunod ng kanyang pagsuko.

Tinukoy niya ang ilang indibidwal na sangkot sa pagpatay kay Lapid kabilang ang dalawang middlemen, na kinilalang sina Cristito at Christopher Bacoto, na nakakulong sa jail facility sa ilalim ng  Bureau of Jail Management and Penology.

Magsasampa ng kaso ang NBI at Philippine National Police ngayong Lunes laban sa mga indibidwal na posibleng sangkot sa krimen, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. RNT/SA