Bangkay ng NPA top leader, nakuha sa Agusan

Bangkay ng NPA top leader, nakuha sa Agusan

September 25, 2022 @ 12:29 PM 2 months ago


BUTUAN CITY – Narekober ng mga tauhan ng 29th Infrantry Batallion (29IB) ng 901st Infrantry Division Brigade ang bangkay ng pinaniniwalaang top leader ng New People’s Army (NPA) sa Agusan del Norte.

Sa isang statement, kinilala ang labi ng napatay na NPA leader sa pangalang Rolando Rubilla “Edroy” Leyson Jr., 40 taong gulang at sekretarya ng Guerilla Front 16, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

“Troopers from the 29IB were conducting combat operations on Wednesday when they found the cadaver of Leyson (in Barangay Cuyago, Jabonga town),” pahayag ng 4th Infrantry Division.

Naniniwala ang mga sundalo na si Leyson ay napatay sa engkwentro na naganap noong Setyembre 14 sa pagitan ng 29IB at NEMRC.

“Apparently, the cadaver was dragged by his companions but was left behind to evade our pursuing troops,” anang 4ID.

Si Leyson ay isa umanong notoryus na NPA leader sa Caraga Region at sangkot sa iba’t ibang kaso katulad ng arson, murder, attempted murder, multiple murder, kidnapping at serious illegal detention. RNT/JGC