Bangkay ni Ranara, iuuwi sa Pinas sa Biyernes

Bangkay ni Ranara, iuuwi sa Pinas sa Biyernes

January 26, 2023 @ 3:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iuuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Jullebee Ranara, ang 35-anyos na Filipina domestic worker na pinatay sa Kuwait, sa Biyernes ng gabi, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa media briefing nitong Huwebes, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na ang employer ni Ranara, na ang 17-anyos na anak na lalaki ang itinuturong salarin sa pagpatay, ang sasagot sa gastos para maiuwi ang bangkay.

Nag-hire din ang Philippine government ng abogado para tiyakin ang hustisya para sa PIlipina, base sa departamento.

Nitong weekend, narekober ng mga awtoridad ng sunog na katawan ni Ranara sa desyerto sa Salmi, Al-Jahra Governorate.

Nauna nang iniulat ng Kuwaiti news media Arab Times na batay sa autopsy results, buntis ang Pilipinas. Bineberipika pa ito ng Philippine embassy sa Kuwait.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek, subalit hindi pa natutukoy ang motibo sa pagpatay. RNT/SA