Bangkulasi, Balut River ininspeksyon ng DENR

Bangkulasi, Balut River ininspeksyon ng DENR

March 18, 2019 @ 6:54 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Ininspeksiyon ni Department on Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda  nitong Sabado ang dalawa sa 11 polluted rivers na itinuturong dahilan ng kontaminasyon ng Manila Bay.

Sa post ni Antiporda nitong Sabado, ibinahagi niya ang isinagawa nilang inspeksyon sa Bangkulasi River at Balut River, ang 2 sa 11 polluted rivers sa listahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itinuturong dahilan ng kontaminasyon ng Manila Bay.

Bubuuo sa 11 polluted river ang mga sumusunod na ilog:

  • San Antonio de Abad
  • Vitas River
  • Macapagal 1
  • Macapagal 2
  • Macapagal 3
  • Coastal 1
  • Coastal 2
  • Zapote River
  • Jones

Bukod dito, mayroon pang 35 maliliit na esterong binabantayan na sinasabing pinagmumulan ng mga basurang napupunta sa Manila Bay.

Bagama’t sinabi ni Antiporda na ‘sobrang baho’ ng Bangkulasi River at Balut River, siniguro naman niyang babalik siya at ang kaniyang ahensiya upang linisin ang dalawang ilog.

Magugunita na noong ika-27 ng Enero 2019, opisyal na sinimulan ang Manila Bay Rehabilitation sa pangunguna ng DENR, 23 iba pang ahensiya ng gobyerno at libu-libo pang mga volunteer./Remate News Team

READ: Manila Bay rehab, sinimulan na!