Bangungot sa mataas na presyo ng bilihin, tugunan – Imee

Bangungot sa mataas na presyo ng bilihin, tugunan – Imee

October 14, 2022 @ 4:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kitang-kita ni Senador Imee Marcos ang pangangailangan ng kagyat na pagtugon sa suliranin ng bansa dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at mahirap na buhay na tinawag niyang “cost of living nightmare”.

Sa Pandesal Forum nitong Biyernes, Oktubre 14 natanong si Imee kung ano ang masasabi niya sa unang 100 araw ng kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“So, siguro, ito na at aminin na natin talagang ‘yung expectations ay talagang nothing short of a miracle. So, I think we will be doing better very quickly,” sagot ng Senadora.

“But in the meantime, ito nga, harapin natin itong cost of living nightmare that’s really upon us,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nagkaroon ng isang pag-aaral noong nakaraang taon na lumitaw na nasa ikatlong pwesto ng most expensive city sa Southeast Asia ang Manila.

Sa kabila nito, idiniin naman ni Imee ang suliranin na hinaharap ng kanyang kapatid dahil kailangan niyang makinig sa 31-milyon Filipino na bumoto sa kanya.

“Siguro ang masasabi ko na lamang ay talagang nahihirapan ‘pagkat 31 million ang dapat pakinggan. Sa dinami-dami naman ng sumuporta at tumangkilik at nagmahal ay talagang kailangang suriin nang maiigi, pakinggan nang isa-isa at gumawa ng desisyon,” paliwanag ni Marcos.

Matatandaan kamakailan ay sinaluduhan ng ilang mga Senador ang unang 100 araw ng Pangulo sa pwesto. RNT/JGC