Bank secrecy law nais gawing maluwag sa gov’t officials

Bank secrecy law nais gawing maluwag sa gov’t officials

October 27, 2022 @ 1:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang panukalang batas ang inihain ni Quezon City Rep Arjo Atayde na nagsusulong na i-exempt ang mga government officials sa Republic Act 1405 o Secrecy of Bank Deposits law.

Layon ng House Bill 4060 ni Atayde na amyendahan ang Section 2 ng nasabing batas kung saan nais nito na ang mga nakatalaga sa gobyerno ay hindi na dapat saklaw ng “absolute confidentiality” sa kanilamg mga bank accounts at maaari itong silipin ng mga awtoridad.

“The measure covers those who hold “any public office in the government of the Philippines, whether at the national or local level, by virtue of an appointment, election or contract , in any state-owned or controlled corporation or enterprise, permanent or temporary , whether in the career or non- career service,” nakasaad sa panukala.

Maging sa foreign currency deposit at off-shore bank accounts ng mga opisyal mg gobyerno ay sakop din ng panukala ni Atayde at kasama din dito ang mga miyembro ng militar at kapulisan.

Sinabi ni Atayde na ang pangunahing layunin ng Bank Secrecy Law ay.para sa confidentiality ng bank transactions gayunpaman ay naabuso ito at nagiginv dahilan para maantala ang ginagawang imbestigasyon sa mga kaso.

“This bill seeks to exclude all government officials and employees , regardless of the nature of their office, from the coverage of the Bank Secrecy Law so that law enforcement authorities will be equipped with the tools needed to investigate and go after crooks in government,” pagtatapos pa ni Atayde. Gail Mendoza