Banta ng COVID seryosihin pa rin – doktor

Banta ng COVID seryosihin pa rin – doktor

July 4, 2022 @ 9:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala sa publiko ang isang doktor sa Philippine General Hospital (PGH) na kailangan pa ring seryosohin ang panganib ng impeksyon.

Sinabi ni Dr. Jubert Benedicto, pulmonologist head ng CCU-Management Action Team sa PGH huwag ipagwalang bahala ang epekto ng COVID.

Tandaan aniya na ang bakuna ay lubos na epektibo sa mga severe, critical ngunit hindi tayo nagpoprotektahan kapag nahawaan ng virus.

“Remember the vaccine is quite effective in terms of the severe, critical forms—but it does not protect us in terms of transmitting the virus once you get it,” sabi ni Benedicto .

Sinabi ni DOH technical advisory group member Dr. Edsel Salvana noong Linggo na ang matatanda o immunocompromised na mga pasyente ng COVID-19 ay maaari pa ring makaharap sa mga komplikasyon, tulad ng isang na-stroke matapos ma-admit at mag-negatibo sa pagsusuri sa ika-7 araw.

Sinabi ni Salvana sa kanyang Facebook post na hindi lamang umaatake ang COVID-19 sa baga kundi nagkakaroon ng blood clot.

“We see people with heart attacks and strokes during or shortly after infection even if they only have mild COVID-19 symptoms,” sabi ni Salvana sa nasabing post.

Ito ang dahilan ayon kay Salvana para protektahan ang mga pinaka-mahina laban sa impeksyon, kahit na inaasahan nating ito ay banayad. Jocelyn Tabangcura-Domenden