Banta ng Kabataan Partylist kay Sandro, sinalag ng neophyte solon

Banta ng Kabataan Partylist kay Sandro, sinalag ng neophyte solon

July 27, 2022 @ 10:14 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Dinepensahan ng ilang neophyte solons ang banat ng Kabataan Partylist laban kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos matapos itog mahalal bilang Senior Deputy Majority Leader ng 19th Congress.

Binigyang diin ni PBA Partylist Rep. Migz Nograles na ang posisyong ibinigay sa batang Marcos ay hindi dahil siya ay anak ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas kungdi matagal din siyang nanilbihan sa tanggapan ni Majority Leader, at ngayon ay Speaker Martin Romualdez na siya ring naging chairman ng House Rules Committee bukod aniya sa bomoto at naghalal dito ang mayorya ng mga mambabatas.

“Rep. Marcos was elected, overwhelmingly and unanimously, by the majority as their Senior Deputy Majority Leader. It is clear that the MAJORITY has spoken and has full faith, trust, and confidence that Rep. Marcos will do well in his position because he is qualified for that position with both his educational and work background,” ani Nograles.

Pakiusap ni Nogrles kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na igalang sana ang desisyon ng majority na paghalal sa batang Marcos na kuwalipikado sa kaniyang posisyon bilang Senior Deputy Speaker.

“Surely, Rep. Manuel as the voice of the youth cannot claim that a neophyte like himself cannot do a good job in a position Rep. Marcos is indeed qualified for. As a lawyer, I can personally attest to Rep. Marcos’ deep grasp of the House Rules and Procedures (even more than I). I hope Rep. Manuel, as part of the minority bloc, will respect our choice in the majority as we respect their decision making processes as well.”

Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang panunumpa ng mga bagong halal na House Leaders sa pangunguna nina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe (Zamboanga City) at Deputy Speakers Isidro Ungab (Davao), Roberto Puno (Antipolo), at Raymond Democrito Mendoza (TUCP Partylist).

Sinundan ito ng panunumpa ng mga bagong vice chairpersons ng Committee on Rules na sina Rep. Ferdinand Alexander Marcos (1st District, Ilocos Norte), bilang Senior Deputy Majority Leader, Reps. Josephine Lacson-Noel (Lone District, Malabon City), Marlyn Primicias-Agabas (6th District, Pangasinan), Lianda Bolilia (4th District, Batangas), Jude Acidre (Partylist, Tingog Sinirangan) at Franz Pumaren (3rd District, Quezon City) bilang mga Deputy Majority Leaders.

Itinalaga naman ng Majority bloc sina Reps. Ana Victoria Veloso-Tuazon (3rd District, Leyte), Sancho Fernando Oaminal (2nd District, Misamis Occidental), Jaime Cojuangco (1st District, Tarlac), Richard Gomez (4th District, Leyte), at Raul Angelo Bongalon (Partylist, AKO BICOL) bilang mga Assistant Majority Leaders. Meliza Maluntag