Bantag bilang state witness, malabo pa – Remulla

Bantag bilang state witness, malabo pa – Remulla

November 11, 2022 @ 10:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Malabo pa at malayo pa, ganyan inilarawan ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang usapin na gawing state witness si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Si Bantag ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.

“Malayo pa ‘yon. It will not happen just like that. Let’s not get ahead of ourselves,” pahayag ni Remulla nitong Huwebes, Nobyembre 10 nang tanungin sa naturang usapin.

“That’s wishful thinking. Because to be discharged you have to be the least guilty,” dagdag pa niya.

Ani Remulla, sa kasalukuyan ay minomonitor pa ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Bantag at sa mga susunod na araw ay bibigyan na ito ng subpoena.

Sa kasalukuyan ay humaharap si Bantag sa murder complaints dahil nga sa pagpatay kay Lapid ngunit itinangi niya ito sa hiwalay na panayam sa radyo.

Nanawagan na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na dati ring BuCor director general, kay Bantag na sumuko na at maaari naman umano siyang idetain sa Philippine National Police Custodial Center in Camp Crame, Quezon City para sa kanyang kaligtasan.

Pagbabahagi naman ni Remulla, posible umano na ilagay si Bantag sa hiwalay na selda. RNT/JGC