Bantag bukas sa special audit sa ₱1B BuCor construction funds

Bantag bukas sa special audit sa ₱1B BuCor construction funds

December 22, 2022 @ 6:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Handa si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na makipagtulungan sa posibleng special audit sa paggamit ng ahensya sa ₱1 bilyonh construction funds, ayon sa abogado niya nitong Huwebes.

“Yes, of course, why not. That is the proper procedure actually, so if (BuCor chief) General (Gregorio) Catapang will go to COA (Commission on Audit) that is the proper action for him to do,” ayon kay Atty. Rocky Balisong.

Tugon niya ito sa tanong ukol sa pahayag ni Catapang na inatasan siya ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hilingin sa auditors na busisiin ang kuwestiyonableng paglalabas ng pondo para sa pagtatayo ng apat na pasilidad.

Nitong Dec. 20, sinabi ni Catapang na sinisilip niyang maghain ng plunder chargesbago matapos ang taon o sa pagpasok ng 2023 laban kay Bantag at iba pang personalidad na umano’y sangkot sa paglalabas ng ₱950 milyon sa ilalim ng ₱1-billion project.

Bukod sa plunder, mahaharap din si Bantag sa mga kasong may kinalaman sa torture at human rights violations sa umano’y pananaksak niya sa dalawang New Bilibid Prison (NBP) inmates.

Nahaharap siya sa kasong murder sa pagkakasangkot umano sa pagkamatay ng mamamahayag na si Percy Lapid at NBP inmate na si Jun Villamor. RNT/SA