Bantag: DOJ mag-inhibit sa Lapid slay probe

Bantag: DOJ mag-inhibit sa Lapid slay probe

December 5, 2022 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nais ng kampo ni suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na mag inhibit ang Department of Justice sa pagdinig sa kasong isinampa laban sa kanya.

Ayon sa legal counsel ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong, maghahain sila ng motion for inhibition laban sa DOJ prosecution panel.

Ayon kay Balisong, Salary Grade 30 si Bantag kung kaya ang Ombudsman ang may hurisdiksyon sa kanya.

Gsyunman, ibinasura agad ni ni Justice Sec Boying Remulla ang nais ng kampo ni Bantag at sinabing ang DOJ ay executive branch at hindi judicial.

Iginiit din ni Remulla na itigil na ni Bantag ang mga drama at harapin na lamang ang kaso. Teresa Tavares