Bantag dumalo sa imbestigasyon sa Lapid slay case

Bantag dumalo sa imbestigasyon sa Lapid slay case

December 5, 2022 @ 2:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dumating na si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag nitong Lunes, Disyembre 5 sa Department of Justice sa Maynila.

Ito ay upang dumalo siya sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Si Bantag ang isa sa itinuturong mastermind sa pagpatay kay Lapid at ang itinuturo rin na middleman na si Jun Villamor.

“Sabi nila nagtatago ako. Hindi naman,” sinabi niya pagkapasok na pagkapasok mismo sa bisinidad ng DOJ.

Matatandaan na noong Nobyembre 23 ay hindi nakadalo si Bantag sa dapat sana ay unang pagdinig sa naturang kaso dahil sa maling middle name na nailagay sa subpoena laban sa kanya. RNT/JGC