Bantag handa sa lifestyle check

Bantag handa sa lifestyle check

October 26, 2022 @ 10:02 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Handang sumailalim sa lifestyle check ang nasuspindeng si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Q. Bantag.

Ito ang pahayag niya nitong Martes, Oktubre 25 kasabay ng panayam ng DZRH.

“Walang problema ‘yun,” ani Bantag.

Matatandaan na isa si Bantag sa nakatanggap ng kritismo ng napatay na commentator na si Percy Lapid sa programa sa radyo, dahil sa kanyang kayamanan kasabay ng panunungkulan sa BuCor.

“Nakakatawa dahil hindi naman totoo,” tugon ni Bantag sa alegasyon.

Itinanggi rin niya ang alegasyon na mayroon siyang mansyon sa isang exclusive subdivision at sari-saring sasakyan.

“Hindi naman exclusive ito. Maliit ang tinitirahan naminng bahay,” pagdidiin ni Bantag.

Aniya, ang mga sasakyan na ipinakita sa programa ni Lapid ay mga sasakyan ng kanyang kapitbahay at ilang government-owned vehicles.

Sa kabila nito, wala naman umanong problema para sa kanya na natanggap siya sa opisina. RNT/JGC