Bantag, iba pa kinasuhan na sa pagpatay kay Percy Lapid

Bantag, iba pa kinasuhan na sa pagpatay kay Percy Lapid

November 7, 2022 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kaso’ sa Department of Justice (DOJ) si suspended Bueau of Correction (BuCor) Dir. Gen. Gerald Bantag, kaugnay sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at sinasabing middleman Jun Villamor habang nasa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Ito ang inihayag sa isinagawang Joint Press Conference ng DOJ, DILG, NBI at PNP, kung saan kasama sa sinampahan si BuCor Directorate for Security and Operations Supt. Ricardo Zulueta at mga persons deprived of liberty.

Mismong sina NBI Dir. Medardo de Lemos, DILG Sec. Benhur Abalos at Pol. Brig. Gen. Kirby John Kraft (SPD) ang naghain ng reklamo sa DOJ.

“[Bantag] will probably the highest official of this land to be charged with a case of this gravity,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa isang pulong balitaan nitong Lunes, Nobyembre 7.

Sa pahayag naman ni Atty. Eugene Javier, nalaman rin nila sa pag-iimbestiga mula sa mga PDLs na pawang mga miyembro ng BCJ at Sputnik Gang ang nag-utos para patayin naman ang kapwa nila inmate na si Villamor at ang kautusan ay mula kay Zulueta na nanggaling naman kay Bantag.

Lumalabas rin sa imbestigasyon na pinapatay si Lapid dahil sa mga banat nito kay Bantag dahil sa mga maling gawain nito sa kanyang trabaho.

Matatandaan na noong Oktubre 3 ay binaril-patay ang komentarista na si Lapid sa gate ng isang subdivision sa Las Pinas.

Ang naturang pagpatay ay bumuhay din sa panawagan ng publiko na wakasan na ang karahasan laban sa mga mamamahayag. Teresa Tavares/Crismon Heramis