Bantag inireklamo muli sa DOJ

Bantag inireklamo muli sa DOJ

January 20, 2023 @ 2:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nadagdagan ang kasong kinakaharap ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag matapos maghain ng reklamo ang anim na corrections officers laban kay Bantag at 11 iba pa.

Isinampa sa Department of Justice ang mga reklamong torture, grave threat, grave coercion, oral defamation, at obstruction of justice laban kay Bantag, dating BuCor deputy security officer Superintendent Ricardo Zulueta, dating BuCor spokesman Gabriel Chaclag, jail guards Jayferson Bon-As, Victor Pascua, Bayani Allaga, Rose Marie Casion, Joel Arnold, Kanoy Lattot, Ave Akilit, Edgar Angeles Jr., at Michale Marza.

Ang mga reklamo ay isinampa nina corrections officers Richie Canja, Lazaro Rafols, Jer Mojado, Eddie Jimenez, Roy Gacasa, at Asher Labrador.

Ayon sa mga complainant, sinaktan at minaltrato sila umano ni Bantag. Ngayon lamang umano sila naglakas loob na magreklamo dahil wala na sa pwesto si Bantag.

Si Bantag ay nahaharap na sa mga reklamong dalawang kasong murder, torture at physical injuries sa DOJ. Teresa Tavares