Bantag kay PBBM: ‘Totoo ba ang pini-feed sa’yo?

Bantag kay PBBM: ‘Totoo ba ang pini-feed sa’yo?

November 12, 2022 @ 10:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag na naiintindihan niya ang mga pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol sa pagkakasangkot niya sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Subalit, kinuwestiyon niya ang impormasyon na ibinibigay ng mga awtoridad sa Pangulo.

“Wala tayong magagawa sa reaksyon ni presidente, basing that kasi sa mga report ni secretary. Pero ang tanong, totoo ba ang pini-feed sa’yo?” aniya nitong Biyernes.

Inihayag ni Marcos papunta sa Phnom Penh na nababahala siya na naugnay ang pinuno ng BuCor sa pagpatay.

“Of course, that’s terrible,”sabi ni Marcos.

“He established his own fiefdom there in the prison. ‘Yung galaw niya is with no fear of being punished,” dagdag niya.

Matapos maihain ang reklamo kaugnay ng Lapid slay, iginiit n Marcos, “I think we’ve gotten most of those who are involved.”

“But we’ll just keep going. Until we’re satisfied. Right now, because we haven’t spoken to all of the named suspects, middlemen, masterminds, the investigation hasn’t been closed,” aniya pa.

Ikinasa ng NBI at ng PNPang murder complaints nitong Lunes laban ina Bantag, BuCor official Ricardo Zulueta, at ilan pa sa pagpatay kina Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor (Cristito Villamor Palaña), isang preso sa New Bilibid Prison (NBP).

Iginiit ni Bantag na sinungaling si Remulla at hinamon ang kalihim na bumaba sa pwesto.

Sinabi pa niya na gumawa ng kwento si Remulla na ang motibo sa likod ng pagpaslang kay Lapid ay ang komentaryo ng huli sa kanyang tahanan sa isang exclusive subdivision sa Laguna at kanyang mga sasakyan.

Iniliahad ni Bantag na ang nasa likod ng pagpatay kay Lapid ay isang indibidwal na nagngangalang German Agojo, na umano’y kinuha ni Remulla mula sa isang detention facility.

Ang confessed gunman na si Joel Escorial at pinaslang na middleman na si Cristito Villamor Palana ay mga kasabwat umano ni Agojo.

Sa kasalukuyan ay wala pang tugon si Remulla ukol sa mga pahayag ni Bantag.

Sinabi ng DOJ nitong Biyernes na ang mga aksyon ni Bantag at alegasyon ay mula s “misguided sense of betrayal” at hiniling sa kanya “not to clutch at straws.”

“The Department of Justice understands the predicament of DG Bantag. His words and actions, no matter how personal and inappropriate, come from a misguided sense of betrayal,” ani Justice Department Spokesperson Mico Clavano, base sa opisyal na pahayag ng ahensya.

“There’s only one issue at hand; that is the related murders of Percy Lapid and Jun Villamor. Let us not muddle the issue, let us not clutch at straws.”

Idinagdag ni Clavano na ang joint investigation ng NBI at ng PNP ay gumamit ng “method of deduction” mula sa listahan ng mga politiko, opisyal ng pamahalaan, at malalaking mga personalidad.

Inisyal na mayroong 160 persons of interest na natukoy ng PNP sa Lapid case.

“However, from all the evidence collected so far, the sworn statements of the PDLs, ballistic analysis, CCTV footage, and all those other physical evidence gathered to boost the credibility of the statements, they all pointed to the respondents as perpetrators of the murder,” aniya.

Iginiit naman ng mamamahayag na si Roy Mabasa, kapatid ni Lapid, na sumunod sa batas si Bantag.

“We appeal to the public to not be distracted by what might be diversionary tactics. Let’s focus on the proper investigation of the case,” ayon kay Mabasa kasunod ng pagharap ni Bantag sa media.

“We demand that Mr. Bantag abide by the rule of law, follow the judicial process and present his side in the proper forum. We also challenge him to help convince his deputy, Jail Officer Zulueta, to come out of hiding and face the charges,” aniya pa.

“As I’ve said before, we appreciate the hard work of the DOJ, DILG, NBI & PNP as well as the CHR and we will forever be indebted to the listeners of Ka Percy who has not left our side in our quest for justice,” sabi ni Mabasa. RNT/SA