Bantag kinasuhan ng murder sa Lapid slay!

Bantag kinasuhan ng murder sa Lapid slay!

March 14, 2023 @ 2:05 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinampahan na ng Department of Justice ng kasong murder si suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at iba pa kaugnay sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid at sa umano’y middleman na si Jun Villamor.

Sa 32 pahinang resolusyon, nakitaan ng DOJ panel of prosecutors ng sapat na basehan upang isampa ang kasong murder laban kay Bantag at sa dating deputy na si Ricardo Zulueta.

Sinampahan rin bilang principals by direct participation ang self-confessed gunman na si Joel Escorial at kasamahan nitong sina Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan at alyas Orly habang limang PDLs ang kinasuhan bilang principals by indispensable cooperation.

Ayon sa DOJ dalawang NBP gang leaders na sina Alvin Labra at Aldrin Galicia ang kinasuhan bilang principals by inducement sa pagpatay naman kay Villamor habang anim na iba pang PDLs ang idiniin bilang principals by direct participation.

Ayon sa DoJ, nasa Muntinlupa RTC at Las Piñas RTC na ang desisyun kung magpapalabas ng warrants of arrest laban kina Bantag. Teresa Tavares