Bantag naghahanap ng Yamashita treasure sa loob ng Bilibid – Remulla

Bantag naghahanap ng Yamashita treasure sa loob ng Bilibid – Remulla

November 18, 2022 @ 3:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na naghuhukay si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa loob ng New Bilibid Prison sa pag-asang matatagpuan ang Yamashita treasure.

Ani Remulla, personal umano ito sa kanya na sinabi ni Bantag noong Agosto o Setyembre.

“That was supposed to be a treasure hunt for Yamashita treasure. Originally. I was told by Director General Bantag about it. And I told him to stop it. I told him to stop it,” pagbabahagi ng Kalihim sa panayam ng media sakto sa pagbalik nito mula sa working trip sa Geneva.

“He opened up to me about it and I told him wag mo na gawin ‘yan,” dagdag niya.

Inabisuhan naman niya si Bantag na ihinto kaagad ang paghuhukay.

“Ridiculous nga e. Tsaka, you’re wasting government time and money. Di ko alam kung government time and money ginamit niya pero ridiculous para sa akin,” aniya.

“You’re not there to seek for treasure. You’re there to run the corrections department,” dagdag ni Remulla.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nadiskubre at isiniwalat ni BuCor OIC Gregorio Catapang Jr. ang naturang malalim na hukay na may lalim na 30 metro at may lapad na 200×200 meters. Teresa Tavares