Bantag “no show” sa pagdinig ng DOJ

Bantag “no show” sa pagdinig ng DOJ

November 23, 2022 @ 11:20 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Hindi humarap si suspended Bureau of Corrections Chief Director General Gerald Bantag sa unang araw ng preliminary investigation ngayong Miyerkules, Nobyembre 23 sa harap ng Panel of Prosecutors.

Tanging ang abugado niyang si Atty. Rocky Thomas Balisong ang humarap sa pagdinig.

Ayon kay Bantag, bagama’t nais niyang humarap sa imbestigasyon, sumunod lamang siya sa payo ng kaniyang mga abogado na huwag dumalo sa preliminary investigation.

Kaugnay ito sa reklamong murder na inihain ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation laban sa kaniya dahil sa pagpaslang sa broadkaster na si Percy Lapid at ang sinasabing middleman na si Jun Villamor.

Isa sa mga tumatayong abogado ni Bantag ay si Balisong na una nang nagpasabi na titimbangin muna nila ang magiging sitwasyon bago nila isasama sa preliminary investigation ang kanilang kliyente. Teresa Tavares