Bantag papalitan ni Catapang na BuCor chief

Bantag papalitan ni Catapang na BuCor chief

January 23, 2023 @ 2:31 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda na si acting director general Gregorio Catapang Jr. para maging permanenteng pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) na papalit kay Gerald Bantag.

Ito ang inihayag ni Department of Justice Secretary Jesus Remulla nitong Lunes, Enero 23.

“He [Bantag] will be replaced as BuCor director,” ani Remulla.

“Kanina po noong pinakilala si DG Catapang, ang sabi acting BuCor director. Sa susunod na punta ko ho rito, di na po acting yan, permanente na po,” sinabi pa niya sa harap ng mga inmates at BuCor officials kasabay ng seremonya sa pagpapalaya sa 340 person deprived of liberty (PDLs).

Nakipag-usap na umano si Remulla kay Executive Secretary Lucas Bersamin tungkol sa permanenteng pagtatalaga kay Catapang at anumang oras ay maaari nang makuha aang appointment papers.

“It can be a matter of hours. Tomorrow there’s a Cabinet meeting. I might get it tomorrow.”

Samantala, nang matanong naman kung bakit inabot ng ilang buwan bago tuluyang tanggalin sa pwesto si Bantag, ang tugon ni Remulla:

“We are not in the business of replacing people just like that, we have to study everything and we have to wait for the developments to come in.”

Matatandaan na una nang nasuspinde ng 90 araw si Bantag dahil sa kaugnayan nito sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.

Nitong Enero 19, inanunsyo na suspendido ulit ng 90 araw si Bantag dahil sa pagpayag nito na sumalang sa interview ng Sonshine Media Network International. RNT/JGC