Bantag, Zulueta kinasuhan ng BuCor ‘nang-torture ng PDL’

Bantag, Zulueta kinasuhan ng BuCor ‘nang-torture ng PDL’

January 13, 2023 @ 3:23 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghain ng kaso laban kina Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at datig Deputy Security Officer Superintendent Ricardo Zulueta ang BuCor para sa di-umano ay pangto-torture sa dalawang persons deprived of liberty o PDLs.

Ayon kay BuCor lawyer Al Perreras nitong Biyernes, Enero 13 na naghain sila ng criminal at administrative cases laban kina Bantag at Zulueta.

“We filed cases against Usec Bantag for violation RA 9745, this is the Anti-Torture Act of 2019, and serious physical injuries as against Superintendent Ricardo Zulueta is two counts of Presidential Decree No. 1829, this is obstruction of justice,” ani Perreras.

“This is in connection with the stabbing incident involving the two PDLs, Jonathan Escopete and Ronald Usman. This happened last year February 1, 2022 inside the director’s office of then Director General Bantag,” dagdag pa niya.

Sinabi pa nito na mayroon umanong limang testigo sa nangyaring torture incident, at takot lamang din ang dalawang PDL na maghain ng kanilang reklamo laban kay Bantag.

“They were given P50,000 [each] by Zulueta just not to file cases against Bantag during the time that it happened. So that is why we filed cases against Zulueta for obstruction of justice,” pahayag pa ni Perreras.

“The reason why it is only now because they were no longer assigned with the BuCor kaya ayun malakas ang loob nila. And even the other inmates now or those PDLs wanted to file complaints against Bantag,” idinagdag nito.

Nang tanungin naman kung may iniimbestigahan pa silang ibang kaso sa New Bilibid Prison, ang tugon ni Perreras ay meron pa.

Sa ngayon ay wala pang tugon kaugnay nito ang mga abogado nina Bantag at Zulueta. RNT/JGC