‘Bantay Dagat’ volunteers, bibigyan ng benepisyo, insentibo ni Hontiveros

‘Bantay Dagat’ volunteers, bibigyan ng benepisyo, insentibo ni Hontiveros

November 22, 2020 @ 4:08 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inihain ni Senador Risa Hontiveros ang panukalang Senate Bill No. 1919 o ang Bantay Dagat Welfare and Incentives Act upang bigyang pagkilala sa accredited “Bantay Dagat” volunteers na tumutulong sa proteksyon ng karagatan.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na pawang lokal na mangingisda ang mga Bantay Dagat volunteer na tinaguriang Sea Warden na kumikilos kasama ang lokal at pambansang ahensya sa konserbasyon, proteksyon at pamamahala ng ating yamang dagat.

“Panahon na mabigyan sila ng karapat-dapat na suporta. These volunteers receive no regular honoraria and are rarely given insurance and coverage benefits despite the hazards they face, the time spent protecting municipal waters, and the loss of income opportunities,” ayon kay Hontiveros.

Itinakda sa batas, makakukuha ang volunteer ng insurance at sasakupin sila ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), bibigyan ng hazard allowance, subsistence allowance, pagsasanay at career enrichment program at papautangin.

Bibigyan din ang mga Bantay Dagat ng security of tenure kaya hindi sila pwedeng tanggalin o sibakin maliban sa matindi at angkop na dahilan na idedetermina ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. “It also mandates local government to allocate regular funding for Bantay Dagat volunteers and their operational requirements.”

“Our fisherfolk communities are at the frontlines of climate change. Sila ang unang-unang naapektuhan ng pagbabago sa klima, pati na ng mga negatibong epekto nito sa ating kalikasan. This gives all the more reason, to not only recognize their noble work, but also to provide tangible support. Bigyan natin ng dignidad ang kanilang ginagawa para sa ating bayan,” ayon sa senador.

Sinabi ni Hontiveros na mahalagang makapaglagay tayo ng Bantay Dagat volunteers sa mga munisipalidad na pinag-aagawang karagatan tulad ng West Philippine Sea, upang makatulong sa pamahalaan sa pangangalap ng impormasyon hinggil sa illegal, hindi nauulat at unregulated fishing.

Aniya, dapat din palakasin ng pamahalaan ang kapasidad nito na pigilan ang panghihimasok sa WPS.

Nalugi ang bansa ng mahigit P200 bilyon sa halaga ng yaman dagat sanhi ng panghihimasok ng China sa WPS.

“Dahil sa mga artificial island na itinayo ng Tsina sa ating karagatan, nasira ang mga reef ecosystem, ang tirahan ng mga isda. What used to be a bountiful area for our fisherfolk is now gone,” paliwanag niya.

“The Bantay Dagat bill is an important step towards encouraging and giving recognition to the importance of community participation in the protection of our fisheries. But government must further arm itself through modernizing and upping our defense capability towards the protection of Philippine waters. Nakahanda ang mga komunidad magbantay, palakasin din ang pagbabantay ng gobyerno,” ayon kay Hontiveros. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...