BAP sa publiko: Maging alerto sa cyber scams

BAP sa publiko: Maging alerto sa cyber scams

November 26, 2021 @ 12:45 PM 2 days ago


Manila, Philippines— Nagpaalala ang Bankers Association of the Philippines (BAP) sa publiko na panatilihing ligtas at confidential ang kanilang mga impormasyon sa gitna ng mga ulat na hindi awtorisadong bank withdrawals at fund transfer scams.

“Huwag magbigay ng mga impormasyon tungkol sa ating bank account [na] personal identifiable information. Iyan ho ‘yung ating pangalan, date of birth, password at ano pang bagay na magpapatunay ang pagkatao ni Juan dela Cruz,” saad ni BAP President Jose Arnulfo Veloso sa panayam ng TeleRadyo.

Tinataya anilang nasa isang bilyong piso na ang natangay dahil sa fraud at iba pang maanomalyang transaksyon.

Partikular na nakalap dito ang basic information ng indibidwal tulad ng telephone number, e-mail address at date of birth.

“Kaya parati namin sinasabi gawing secure ang password at huwag ibinibigay ang kahit na anong impormasyon kahit kanino.” RNT/FGDC