Bar admission fee tinaasan ng SC

Bar admission fee tinaasan ng SC

March 16, 2023 @ 6:12 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Tataasan ng Supreme Court ang Bar admission fee mula P3,750 ay gagawin nang P5,000.

Sa abiso na inilabas nitong Marso 14, sinabi ng SC en banc na ang pagtataas sa admission fee “shall take effect upon the oathtaking and roll signing ceremonies for the successful 2022 Bar applicants.”

Ayon sa SC, ang pagtataas sa admission fee ay kaugnay ng inaasahan din na pagtaas sa operation vosts, partikular na ang gastos sa mga venue ng oathtaking at roll signing ceremonies, kabilang pa ang ibang logistical expenses.

Dagdag pa rito, sasakupin din nito ang allowance ng mga tauhan ng SC.

Nasa kabuuang 9,821 ang sumailalim sa 2022 Bar examination na isinagawa sa 14 testing centers sa bansa.

Wala pang inilalabas na resulta ang SC sa naturang pagsusulit.

Samantala, nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon ang SC para sa mga bagong aplikante para sa susunod na Bar examination na nagsimula noong Enero 8 at magtatagal hanggang Abril 30.

Para naman sa mga dati nang nagsulit at refreshers, ang application period ay mula Mayo 1 hanggang Hulyo 8, 2023.

Itinakda naman ang Bar examination sa mga petsang Setyembre 17, 20 at 24. RNT/JGC