Bar Examination matagumpay- SC

Bar Examination matagumpay- SC

November 21, 2022 @ 7:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Idineklara ng Supreme Court (SC) ang matagumpay na pagtatapos ng 2022 Bar Examination na idinaos sa apat na araw ng Nobyembre.

Ayon sa SC Public Information Office, umabot sa 9,183 examinees ang matagumpay na nakatapos sa lahat sa itinututing na pinakamahirap na examination.

Ang naturang bilang ay katumbas ng 91.77% na turnout ng mga nagsipagtapos sa pagsusulit para maging abugado.

Sa datos ng Office of the Bar Chair sa 9,190 na nakatapos ng Bar Exams sa ikatlong araw (Nov 16), tanging 9,184 ang dumating at tinapos ang Bar kahapon (Nov 20).

Samantala, pormal na ipinasa ni Associate Justice Benjamin Caguioa ang tungkulin kay
Associate Justice Ramon Paul L. Hernando bilang chairperson ng 2023 Bar Examinations Chairperson sa isinagawang Turnover Ceremonies.

Pinasalamatan ni Caguioa ang kanyang staff at lahat ng Bar personnel na nasa likod ng tagumpay ng 2022 Bar Examinations.

Sinabi naman ni Justice Hernando na ang susunod na Bar Examinations ay idaraos sa Setyembre 2023 at gagawin na lamang tatlong araw sa halip na apat na araw. Teresa Tavares