BAR EXAMINATION PARA SA 2020 AT 2021, TULOY!

BAR EXAMINATION PARA SA 2020 AT 2021, TULOY!

July 14, 2021 @ 2:10 PM 1 year ago


MASUSING pinag-aaralan ng Supreme Court ang pagbubukas ng dalawampu鈥檛 limang testing sites sa buong bansa para sa isasagawang 2020 at 2021 Bar examinations. Ito ay para hindi na kinakailangan pang bumiyahe ng mga nasa mga lalawigan patungong Metro Manila bilang bahagi na rin ng pag-iingat sa COVID-19 global pandemic.

Ayon kay senior associate justice Marvic Leonen, na siyang chairperson ng bar examination, sa ngayon ay may sixteen (16) educational institutions na ang pumayag na magamit ang kanilang mga pasilidad para sa nasabing pagsusulit kabilang ang mga sumusunod:

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Manila Adventist College;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Ateneo de Manila University;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Saint Louis University, Baguio city;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Saint Louis College, La Union;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Saint Mary鈥檚 University;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Cagayan State University;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽De La Salle University, Lipa city, Batangas;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽University of Nueva Caceres, Naga city;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽La Sala, Bacolod city;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Philippine University;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽University of Cebu, Banilad;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Mindanao State University, Iligan city;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Mindanao State University, General Santos city;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Ateneo de Davao University;

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Xavier University, Cagayan de Oro city; at

路聽聽聽聽聽聽聽聽聽Ateneo de Zamboanga University

Malapit na ring ilabas ng Supreme Court ang online portal na 鈥BAR PLUS鈥 o聽Bar Personalized Login Unified System聽para sa mga kukuha ng bar examination.

Katulad ni chief justice Alxander Gesmundo, tutol din si associate justice Leonen sa panukala ni department of labor and employment secretary Silvestre Bello III na alisin na ang bar examinations at iba pang licensure examination sa bansa dahil nagdudulot lang diumano ito ng malaking gastos.

-ooOoo-

PCSO DIGIT GAMES BALIK 10.00 SIMULA JULY 15

Mga kalaro, malapit n鈥檡o ng ma-enjoy ang mid-year pa-buwenas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang pagbabalik sa P10.00 piso ng mga Digit Lotto Games na 2D, 3D, 4D at 6D lotto games.

Ang sampung piso mo ay maaaring manalo sa straight, rambolito, rambolito 3 at rambolito 6 ng mula P750.00 hanggang minimum guaranteed na P150,000.00.