Bar examinees hinikayat ni Justice Caguioa na ‘wag sumuko

Bar examinees hinikayat ni Justice Caguioa na ‘wag sumuko

November 15, 2022 @ 8:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Finish this Bar!

Ito ang mensahe ni Bar Examination Chairperson Associate Justice Alfredo Caguioa sa mga examinees na nag-iisip na umatras na sa bar.

Sa kanyang video message, hinikayat ni Caguioa ang mga examinees na huwag sumuko ngayong dalawang araw na lamang ang nalalabi bago matapos ang Examination.

“You are now here, halfway through the Bar Exam. You are just 2 days away from the finish line,” inihayag ni Caguioa.

Magugunita na sa ikalawang araw ng pagsusulit nitong Nov. 13 ay nasa 9,196
examinees ang kumuha ng Bar Examination kumpara sa unang araw na 9,207 ang kumuha ng Exam.

Sa kasaysayan ng taunang Bar Examination, karaniwan na ang may umaatras at hindi na ito itinutuloy dahil sa hirap ng pagsusulit.

Gayunman, sinabi ng mahistrado na dapat isipin ng mga examinees na dapat isipin nila na ang mithiin kung bakit nila hinaharap ang naturang pagsusulit.

“So, if you are thinking of quitting now, don’t. Stay the course. Plod on,” dagdag ni Caguioa.

Ayon kay Caguioa, ang lahat ng nasa hudikatura ay sumusuporta sa mga examinees at umaasa na makakapasa ang lahat. Teresa Tavares