Bar examinees nagka-COVID; exams inilipat ng SC sa Pebrero 2022

Bar examinees nagka-COVID; exams inilipat ng SC sa Pebrero 2022

January 14, 2022 @ 5:50 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Supreme Court nitong Biyernes na ililipat ang petsa ng Bar exams sa Pebrero, dahil ilan sa examinees ang nahawahan ng coronavirus disease (COVID-19) o kasalukuyang naka-quarantine dahil sa naturang sakit.

Isasagawa na ang bar examinations sa Pebrero 4 at 6. Orihinal itong nakatakda sa Enero 23 at 25.

“They are at risk of not being able to take the Bar Examinations if the original schedule… were to push through,” saad sa anunsyo.

“Also, given the current infection rate and quarantine situation of the Bar personnel, 16 out of 31 teams that will be deployed will be critically understaffed if the current schedule were maintained,”dagdag pa nito.

Hinikayat naman ng Supreme Court ang mga examinees na mag-self quarantine sa Enero 20. RNT/SA