Bar exams, coverage pinaiksi ng SC

Bar exams, coverage pinaiksi ng SC

January 4, 2022 @ 4:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Pinaikli ng Korte Surprema ang saklaw at araw ng pagdaraos ng 2020/2021 Bar Examinations.

Sa memorandum, nagdesisyon ang Korte Suprema na imbes na ang tradisyunal na apat na araw ng linggo ang pagdaraos ng bar, dalawang araw na lamang o sa Enero 23, Linggo at Enero 25, Martes ang pagsusulit.

Bunsod na rin ito ng mabilis na pagkalat ng Omicron variant at dahil sa epekto ng bagyong Odette.

Ang saklaw din ng bar exams na dating walong subjects ay pinagsama-sama na sa apat na sets ng pagsusulit.

Ang mga ito ay ang:

  • The Law Pertaining to the State and its Relationship with its Citizens na dating Political Law, Labor Law, at Taxation Law;

  • Criminal Law;

  • The Law Pertaining to Private, Personal, and Commercial Relations na dating Civil Law at Commercial Law; at

  • Procedure and Professional Ethics na dating Remedial Law, Legal Ethics, at Practical Exercises.

Pinayuhan ng Korte Suprema ang mga kukuha ng bar na sumailalim muna sa self isolation simula Enero 9 o ilang linggo bago ang pagsusulit. Hindi papayagan na kumuha ng bar exam ang sinumang may sintomas. Teresa Tavares