Bar exams huwag buwagin – SC

Bar exams huwag buwagin – SC

July 8, 2021 @ 12:05 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Tutol si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na alisin na ang bar examinations para sa mga nagnanais na mag-abogado.

Kaugnay ito ng mungkahi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na tanggalin na ang

Board examination para sa mga nurse, engineer at pati na rin ang bar examination sa mga gustong maging abogado.

Ayon kay Bello, malaking tulong sa mga nakapagtapos na ng mga kursong nursing, engineering, abogasya at iba pa kung wala na silang board o bar examination para makapagtrabaho na agad.

Iginiit ng pung mahistrado na walang dahilan para buwagin ang bar examinations at dapat pa nga itong panatilihin.

Tradisyon na aniya ang naturang pagsusulit at mahalaga upang malaman kung sino-sino ang mga nararapat na maging abogado.

Nilinaw ni Gesmundo na bagaman iginagalang niya si Sec. Bello, sa “practice of law”, kailangang manayili ang bar exam upang masala ang mga nararapat na makapasok sa legal profession pa rin sa interes ng publiko.Teresa Tavares