Bar, ni-raid… samu’t saring droga, nasamsam

Bar, ni-raid… samu’t saring droga, nasamsam

August 11, 2018 @ 1:59 PM 4 years ago


 

Makati City – Mahigit 100 indibidwal ang binitbit ng mga awtoridad mula sa isang high-end bar matapos na masamsam ang samu’t saring iligal na droga sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Makati Avenue, Barangay Poblacion sa lungsod ng Makati.

Nilinaw naman ng pulisya na hindi itinuturing na suspek ang mga dinampot at inimbitahan laman para sa beripikasyon at mga katanungan.

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police ang ilang piraso ng plastic sachet ng hinihinalang cocaine, shabu, ecstasy capsules, hashish o high grade na pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalia.

Ayon sa mga operatiba, hindi lamang mga mamahaling alak ang ibinebenta sa lugar kundi talamak din ito sa bentahan at paggamit ng iligal na droga.

Samantala, ipinasara na ng Makati City government ang naturang bar. (Remate News Team)

Ipinakita ni Makati Police P/Insp Jason Vegilla, hepe ng Makati Police SDEU kay Regional Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar at Times Manager Danny Rejino ang nakuhang 15 sachet ectasy capsule, 4 na ectacy tablet, 19 sachet na cocaine, 1 high grade marijuana, 1 caliber 38, at iba’t ibang mga paraphernalia at 22,500 buy bust money sa buy bust Operation sa Times Bar. (Kuha ni Cesar Morales)

REMATE FILE PHOTO | CESAR MORALES