Bar owner, 2 tauhan tiklo sa ‘sex for sale’, 9 na babae nasagip

Bar owner, 2 tauhan tiklo sa ‘sex for sale’, 9 na babae nasagip

October 21, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tatlong indibidwal ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) – Ilocos Regional Office sa entrapment operation na ikinasa sa Urdaneta, Pangasinan dahil sa Human Trafficking.

Kinilala ang mga naaresto na sina Edwin Ceniza, bar owner; Asterio Campos Paris Jr., at Arnold Belen Martinez na kapwa staff.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang ginang sa Pangasinan na humihingi ng tulong upang matigil ang prostitution activities ng “Gravity”, isang resto bar sa McArthur Highway, Brgy. Nancayasan, Urdaneta, Pangasinan na pag-aari ni Ceniza.

Pinatatakbo umano para tumanggap o magrecruit ng mga kababaihan para sa “sex for sale”.

Matapos makumpirna na may nangyaring human trafficking, ang NBI-IRO ay agad nagkasa ng entrapment operation na nagresulta ng pagkakadakip ni Ceniza at mga tauhan nito.

Sa kabila nito nasagip naman ang 9 na kababaihan ipinrisinta na sa Inquest proceedings Prosecutor Office ng Urdaneta City, Pangasinan ang mga naaresto para sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. Jocelyn Tabangcura-Domemden