Barangay Captain natagpuan patay sa loob ng sasakyan

Barangay Captain natagpuan patay sa loob ng sasakyan

October 14, 2022 @ 11:29 AM 2 months ago


TUAO, CAGAYAN – Patay na ng matagpuan sa loob ng kanyang sasakyan ang isang barangay kapitan na kasalukuyang ex-officio member ng Sangguniang Bayan ng Tuao, Cagayan.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa pagkamatay nito sa hindi pa malinaw na kadahilanan.

Kinilala ang biktima na si Barangay Chairman Edgar Sedano, 52-anyos ng Fugu, Tuao, Cagayan.

Natagpuan na wala ng buhay sa loob ng kanyang kulay puting service vehicle na may plakang BDS-270 si Sedano bandang alas-10:30 ng umaga.

Nakaparada ang sasakyan ng opisyal sa tabi ng Central Elementary School sa Barangay Centro 1 dito sa nasabing bayan.

Unang nagreport sa pulisya sa nangyari kay Sedano ang Barangay Secretary ng Fugu.

Ayon sa impormasyon, umaga ng Oktubre 12 nang umalis si Sedano sa paalam na may dadaluhang importanteng aktibidad at mula noong araw na iyon hindi na nakauwi ng kanilang bahay.

Sumisigaw ng katarungan ang pamilya ng barangay opisyal sa naturang insidente. Rey Velasco