Barangay captain todas sa riding in tandem

Barangay captain todas sa riding in tandem

August 7, 2020 @ 7:27 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Isang manhaunt operation ang isinasagawa ng Cavite police sa dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na bumaril at nakapatay sa isang Barangay Captain habang nasa harapan ng kanilang bahay sa Amaya1 Tanza, Cavite.

Sa report mula kay LtCol. Freddie Dantes, Hepe ng Tanza Municipal Police Station kinilala ang namatay na si Emelito Mercado, 54, Brgy Captain ng Brgy Amaya.

Nagsasagawa naman ng follow up ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek na magkaangkas sa sakay ng isang kulay itim na Yamaha Nmax na tumakas matapos ang insidente.

Base sa nakalap na impormasyon mula kay Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza MPS, dakong alas-4:00 ng hapon nang naganap ang insidente kung saan nasa harapan ng kanilang bahay ang biktima nang pagbabarilin ng riding in tandem.

Namatay noon din ang biktima na nagtamo ng bala mula sa kalibre 45 na mabilis na tumakas lulan ng nasabing.motorsiklo at tinahak ang direksyon patungong Trece Martirez City,Cavite.

Blangko pa rin ang pulisya sa motibo ‘ng pamamaslang sa biktima at Inaalam pa kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo sa pagpatay.

Napag alaman na bago ang nasabing krimen ay nagsampa ng kasong threat at unjust vexation ang biktima sa kanyang mga tauhan habang ang ilan sa kanila ay tinanggal nito sa trabaho.

 

Hawak na rin ng pulisya ang kopya ng Close Circuit Television (CCTV) at pinag-aaralan ang mga footage nito. MARGIE BAUTISTA


  •  
  •  
  •  

Loading...