Barangay certificate, clearance option for PhilSys registration

Barangay certificate, clearance option for PhilSys registration

December 10, 2021 @ 3:54 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Papayagang gamitin bilang valid ID ang barangay clearance o barangay certificate upang makapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).

“If you don’t have a valid ID, Barangay Clearance is the last option for 18 years old and above and Barangay Certificate for 15 to 17 years old,” ayon sa PhilSys team.

Pinaalalahanan din ang mga magpaparehistro na i-attach ang 2×2 picture sa kanilang barangay certificate.

Gayundin ay iginiit na kailangan ng tamang bihis at hindi papayagan ang mga nakasuot ng sando, sleeveless, sexy shorts, at heavy makeup.

Iniatas naman na panatilihin ang pagsusuot ng face mask at panatilihin ang physical distancing sa lahat ng oras. RNT/FGDC